Pyramid (Chapter 3)
“Pare napakatorpe mo pala noon palang!” pagputol ni Kris sa kwento ni Elmo.
“Kris, isipin mo nga. Sa ganoong kagandang babae hindi ba matutulala ka nalang at titiklop?” pagdipensa ni Elmo
“Hahaha! Ang keso mo boy. Sige na tuloy mo na ang kwento.”
Sunday na!! Excited na si Elmo. This time hindi nya hahayaang si Julie ang mauna sa kanya sa studio. Maaga syang nagising at nagprepare.
“Ma, let’s go. I don’t wanna be late.” Sigaw ni Elmo habang pababa ng hagdan
“OMG. Son? Why so early? I mean dati ginigising pa kita para ‘di tayo ma-late. Hmmm. Parang alam ko na.” panunukso ng Mommy ni Elmo
“Mom! Can we just go?” wika ni Elmo habang nagkakamot ng ulo
“Okay tara na. Daan tayo sa bakeshop, ibili mo nalang sya ng cupcake.” Pang aasar ulit ng ina
“Oh that’s a great idea mom! Tara na!” ngiting ngiting sabi ni Elmo
Dumaan sila sa isang bakeshop at binili ni Elmo ng cupcake si Julie. Ayon sa gusto ni Elmo, nauna nga siya kesa kay Julie sa studio. Pero mga ilang sandal lang ang nakaraan dumating na din si Julie. Nagpunta ito sa isang sulok at umupo. Nahihiyang lumapit si Elmo ngunit naisip niya na baka hindi pa nakakakain si Julie kaya lumapit na sya para ibigay ang cupcake.
“Ah.. Ehhh… Julie?” nauutal na sabi ni Elmo
“Yes? Ay ikaw pala yan Elmo. Bakit? Turn na ba natin sa stage?” sabi ni Julie
“Ah,uhm. Hindi pa. Teka paano ba ‘to. Ah eto oh. Cupcake para sa’yo, masarap yan. Kasi ano ah eh napadaan kami sa bakeshop kaya naisipan ko bilhan na din kita kasi baka ‘di ka pa nakain.” Ninenerbyos na sabi ni Elmo
“Wow! Nakakatouch naman. Hehe. Salamat dito. Hmm. Kainin natin!” wika ni Julie sabay ngiti kay Elmo
“Sige na sa’yo nalang yan. Baka kulang pa sa’yo. Dejokelang .” pagbibiro ni Elmo
“Ah ganon ha.” Sabi ni Julie
Binuksan niya ang box ng cupcake at kumuha ng ng konting icing. Ipinahid nya ‘to sa ilong ni Elmo. Sabay tawa at takbo. Dahil nagulat si Elmo natulala muna sya bago naisipang habulin si Julie.
Masaya sila. Masayang masaya. Parang mga tsikiting na naghahabulan sa loob ng studio. Hanggang sa naupo na si Julie.
“Tama na. Teka hinihingal na ako. Peace na tayo. At gutom na rin. Kainin na natin ‘to.” Sabi ni Julie
“Sige na nga kundi lang kita crush.” sagot na mahina ni Elmo
“Ha? Ano yun?”
“Sabi ko sige na nga kasi gutom ka na.”
“Ah. Hahaha. Tara na, kainin na natin.”
Umupo sila sa isang tabi at kumain na ng cupcake. Naging komportable agad sila sa isa’t isa. At parang matagal na magkakilala. Ng biglang tinawag si Julie ng Daddy nya.
“Teka lang tawag ako ni Papa.” Biglang sabi ni Julie kay Elmo saby takbo papunta sa Papa nya
Pagdating ni Julie sa pwesto ng Papa nya, hinalikan nya agad ‘to sa pinsgi at yumakap.
“Ang sweet nya talaga. This girl is worth loving for. And I know in my heart she’ll be the one. My only one.” Sabay ngiti ni Elmo
“Okay Julie and Elmo kayo na next. Akyat na sa stage.” Sigaw ni isa sa mga staff
Pumwesto ang dalawa sa magkabilang dulo. Sumulyap si Elmo kay Julie, sabay napalingon din si Julie sakanya at nginitian sya.
“Oh my. I’m melting. Ano bang meron sa mga labi mo? Sa mga ngiti mo? Bakit ako kinikilig?” sinasabi ni Elmo sa isip nya
“He’s really cute. At malakas ang dating nya.” Sinasabi naman ni Julie sa isip nya
Natapos na ang rehearsal. Higit sa inaasahan mas naging maganda ngayon dahiil siguro mas naging malapit sila sa isa’t isa. Pinaghanda na sila para sa program dahil 30 mins. nalang start na ng program.
Nagstart na ang program, may kantahan. May sayawan. Kiligan.
“Okay Julie and Elmo kayo na next. Standby na kayo dyan.”
“Ready ka na ba?” tanong ni Elmo sa kapartner
“Oo naman, ready na. Taralets kaya natin ‘to.” Sagot naman ni Julie kay Elmo
“Halika na. JuliElmo rules. Woooo.” Wika ni Elmo na parang nagtatanggal ng kaba
“Wow, may name na agad tayo? Haha. Ayos! Oh ayan tapos na, pwesto na tayo.” Natatawang na sambit ni Julie
Nagsimula na ang kanta, hiyawan ang mga tao ng naglapit na sila. At sila nama’y parang kayang kaya ang kanta. Nag eenjoy talaga sila sa ginagawa nila. Hanggang sa matapos nag kanta.
“Woo. Tapos na! Apir!” wika ni Julie pagbaba nila ng stage sabay taas ng kamay
“Apir! Hehe. Ang galing mo kasi eh. Kaya naghihiyawan ang mga tao.” Sagot ni Elmo
“Magaling ka din, kung wala ka naman din dun, hindi mangyayari yung magandang production number.” Ngiting wika ni Julie